Disclaimer: This post will be Taglish.
Bumalik ako ng FEU-NRMF kanina para magpasalamat sa mga professors ko at para sa iba pang maliliit na bagay. Isa lang ang masasabi ko tungkol sa aking pag-balik sa alumni ko... miss ko na mag-aral. Nung kausap namin yung coordinator namin kanina, she kept on repeating "oh nasa totoong buhay na tayo ha" and I realized that we are in the real world now at wala na tayo sa comfort ng eskwelahan.
Majority ng studyante nag-rereklamo kung gaano ka-busy at ka-stressful ang buhay nila kasi ang daming requirements na dapat tapusin, daming lectures na dapat pag-aralan, at mas maraming quizzes o exam na dapat i-pasa. Alam ko yung feeling na yun kasi naging studyante rin naman ako. Pero kung iisipin mo, ang sarap ng buhay estudyante kasi wala kang ibang iniisip kundi ang pumasa. Kapag grumaduate ka na, ang dami mo ng problema. Problema kung paano ka hahanap ng trabaho, problema kung paano mo iipunin at pagkakasyahin yung perang pinaghirapan mo ng isang bwan. Totoo nga yung sabi nila na kapag graduate ka na, mamimiss mo yung mag-aral. Na-feel ko yun kanina habang pinagmamasdan ko yung mga studyanteng naka-upo sa bench at nag-rereview.
Habang nag-lulunch at milk tea kami ng mga kaibigan ko, napansin naming puro tungkol sa trabaho, sa pag-kita ng pera, sa kasal, at mga plano namin pag nakuha na namin yung mga lisensya namin. Parang kailan lang na puro review ang ginagawa namin. Puro "may handouts ka ba dyan?" okaya naman "mag-tanong ka nga" ang eksena kapag magkakasama pero ngayon, puro grown-up things na yung mga pinaguusapan namin.
Nakakamiss yung madaling buhay pero syempre, hindi naman pwedeng puro madali lang sa buhay. Kailangan ng mag-grow up at maging responsable dahil ito na ang simula ng tunay na buhay.
No comments:
Post a Comment
Comments are always welcome :)